Sa proseso ng pagbebenta, maaaring makaranas ang mga clerk ng mga sitwasyon kung saan hindi kumpleto ang transaksyon, at ang device ay nagiging locked. Ang sitwasyong ito, na tinutukoy bilang "Incomplete Sale – Unpaired IMEI," ay maaaring mangyari dahil sa iba't ibang technical o operational na issue. Mahalagang maunawaan kung bakit naantala ang pagbebenta at kung paano magpatuloy upang ma-unlock ang device at simulan muli ang proseso ng pagbebenta.
Pag-Unawa sa Incomplete Sale – Unpaired IMEI Issue
Mga Karaniwang Dahilan o Sanhi:
- Hindi itinuloy ng customer ang pagbili matapos ang first step
- Mga teknikal na isyu sa pag-install o pag-activate
- Pagkaantala or delay sa pagbebenta dahil sa mga error sa network o system
Maraming factor ang pwedeng magdulot ng paglock ng device na may unpaired IMEI:
- Mabagal o Unstable na Internet Connection: Nakakaantala ito ng registration or pairing process
- Delay sa pagtanggap ng Quotation: Hindi nakumpirma o natanggap agad ng customer ang sale
- Maling Installation Process: Hindi nasunod ang tamang installation process
- Error sa Device System: Mga issues sa loob ng device na nakakaantala ng configuration.
Pinaka-karaniwang Error Messages
Maaaring makita ng mga clerks ang isa sa mga ito na nakakaapekto sa pag-install:
- Error 1008: This phone cannot be activated with PayJoy
- Error 1005: This phone cannot be activated with PayJoy
- “This phone cannot be used without authorization”
- “Your payment is overdue. Make another payment to use this phone”
- White screen with large “Device ID” text
Ang mga error na ito ay karaniwang nagpapahiwatig na ang device ay naka-lock dahil sa incomplete na pagbebenta at kailangan i-manual review at i-reset.
Paano Magpatuloy
Upang malutas ang issue at ma-unlock ang device, dapat sundin ng mga clerk ang prosesong ito:
1. Kolektahin ang Kinakailangang Impormasyon
- Device model
- IMEI number (makikita ito sa kahon ng device o sa screen kung naka-display)
2. Makipag-ugnayan sa Support
- Gamitin ang chatbox sa loob ng merchant console
Mahalagang Paalala: Maging malinaw sa pagtukoy na ang issue ay isang Incomplete Sale – Unpaired IMEI upang ma-route at matugunan ng maayos ng support team.
Ang incomplete sales ay maaaring maka-antala ng transaction flow ngunit posible itong masolusyunan ng mabilis. Ang clerk ay dapat:
- Tukuyin ang sanhi ng interruption or issue
- Gamitin ang nakatakdang communication channel (Chat Box)
- Maibigay ang lahat ng kinakailangan detalye (device model and IMEI)
Para sa paulit-ulit na kaso o mga teknikal na concern, i-escalate o makipag-ugnayan sa support team para sa karagdagang review.
Mga Komento
0 komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.