Sa sales process, maaring magkaroon ng mga error na makakapag-antala ng mga transaction. Karaniwang may lumalabas na mga “error code or error message’’ sa console. Ang mga error na ito ay karaniwang nangangailangan ng tulong galing sa support team upang mabigyan ng solusyon. Para mapadali at mapabilis ang pag-troubleshoot at pagbibigay ng solusyon, mahalagang sumunod ang mga sales clerk sa mga steps o proseso batay sa mga error code o message.
Unawain at Bigyang Solusyon ang mga Error Codes sa Console
1. Pangunahing Hakbang Bago Makipag-ugnayan sa Support
Bago ipaabot sa support team ang issue, kailangang i-verify ang mga sumusunod:
- Browser Compatibility: Siguraduhin na Chrome App ang gamit para buksan ang platform. Maaaring magkaroon ng di inaasahang error kapag gumamit ng ibang browser.
- Internet Connectivity: Siguraduhin na ang device ay konektado sa mabilis na Wi-Fi network o active na internet connection.
Ang pagsasagawa ng mga hakbang sa taas ay makakatulong upang mabigyan ng agarang solusyon ang mga karaniwan o common issues na maaaring magdulot ng mga delay sa pagbebenta.
2. Proseso ng Pag-report ng mga Error Code
Sundin ang mga sumusunod na hakbang para maayos na maireport ang mga error code:
- I-record ang Error Code: Isulat o i-screenshot ang kumpletong error code.
- Ihanda ang Report Bago Makipag-ugnayan sa Support: Isama ang mga sumusunod na impormasyon:
- Ang buong error code
- Maikling deskripsyon ng nangyari
- Screenshots or screen recordings ng error (kung meron)
- Detalye ng customer, isama ang pangalan at cart code na konektado sa issue
Ang pagbibigay ng malinaw at kumpletong impormasyon ay makakatulong sa support team upang matukoy at mabilis na mabigyan ng solusyon ang mga isyu.
Suggested Response
Para sa mga Errors na Maaring Bigyang Solusyon ng mga Sales Clerk:
“Na-detect namin na maaaring bigyang solusyon ang error na ito sa pamamagitan ng pagsunod sa pangunahing steps bago makipag-ugnayan sa support agent. Siguraduhin na ikaw ay gumagamit ng Chrome App at naconnect sa mabilis na internet connection. Sumunod ay bumalik ng isang hakbang at ulitin muli ang process. Kung nag patuloy pa rin ang issue, ireview ang process at subukan muli.”
Para sa mga Errors na Nangangailangan ng Technical Support:
“Ang error na ito ay nangangailangan ng tulong mula sa support team. Bago makipag-ugnayan sa kanila, siguraduhin na ginagawa na ang mga pangunahing hakbang (paggamit ng Chrome App at pagconnect sa mabilis na internet connection). Para mapabilis ang pag resolve ng issue, ibigay ang exact na error code, kumpletong deskripsyon ng issue at iba pang evidence. Ine-escalate ko na ang iyong case sa isang specialized agent.
Para sa mga Paulit-ulit o Kilalang Error sa Platform
“Nadetect namin na paulit-ulit na nangyayari ang error na ito. Maaaring ito ay dahil sa isyu sa platform. Bago ito i-escalate, siguraduhing nasunod mo ang mga paunang hakbang sa pag-troubleshoot. Ipini-forward ko na ngayon ang kasong ito sa support team para sa mas detalyadong pagsusuri.”
Mahalaga ang papel ng mga sales clerk sa paglutas ng mga console error sa pamamagitan ng tamang pagtukoy at pag-ulat ng mga isyu. Laging simulan sa pag-verify ng tama ang ginagamit na browser at mabilis ang internet connection. Kung patuloy ang isyu, tipunin ang detalyadong impormasyon at i-escalate ang issue kasama ang mga konektado ng konteksto. Ang pagsunod sa mga prosesong ito ay nagsisimula na mas maayos ang workflow at mas mabilis ang tugon mula sa support team.
Para sa paulit-ulit o kritikal na issue, huwag mag-atubiling i-escalate sa support team kasama ang lahat ng kinakailangang dokumentasyon.
Mga Komento
0 komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.